Tungkol sa APHCV

Kabuohan

Sinisikap ng APHCV na makapagbigay ng de kalidad na serbisyong  panggamot at pangkalusugan sa mapagkalinga at mapaunawaing paraan. Tampulan naming paglilingkod ay ang mga komunidad sa loob ng Los Angeles County at paglilingkod salin pa sa ibat-ibang wika katulad ng wikang Espanyol, Tagalog,Thai, at iba pa.

Sinisikap naming lubusan ninyong mapakinabangan maging ano man ang inyong nakasegurong plano at may nakapagbibigay din ng mga penansyal na kasunduan paras a mga pasyenteng nangangailangan ng tulong hinggil sa kanilang mga pagpapagamot at pangkalusugang gastusin.

Higit sa lahat, ang APHCV ay may malasakit. Para sa komunidad. Para sa kalusugan. Para sa kapakanan. Para sa inyo.

Isang Mensahe galing sa aming CEO

Kazue Shibata, Chief Executive Officer
Kazue Shibata, Chief Executive Officer

Malugod ko kayong tinatanggap sa aming APHCV website, kasama ang lahat ng aming mga mangagamot at kawani. Hangad naming mabigyan kayo ng mga impormasyon hinggil sa kalusugan at kung ano man ang mga pagbabago at kasalukuyang nagaganap sa loob ng aming mga pagamutan.

Layunin naming makatulong upang bawat pasyente namin, bata man o matanda ay magkaroon ng pagkakataon at kakayahang mamuhay ng matatag at maayos, Ito’y aming ginagawa sa mapag-arugang paraan na pagasikaso sa aming mga pasyente, na hindi lamang pangkaraniwang pagagamot, kundi sa lubusang paglilingkod para sa kanilang kalusugan at kapakanan.

Kung ito’y iyong kaunaunahang pagkakataon puntahan ang aming website, inaanyayahan ko kayong dumalaw sa aming paggamutan sa Los Feliz. Kausapin n’yo ang aming mga mangagamot at kawani. Makinig sa ano mang masasabi ng aming mga pasyente. Basahin din ang mga sinasaad ng mga taong among napaglingkuran dito sa aming website. Sineseguro naming ang pagpili n’yo sa APHCV ang magiging pinaka angkop na pagamutan para sa iyo at ng inyong pamilya. Inaasahan naming kayo ay mapaglingkuran para sa kalahatang pangkalusugang pangangailangan ninyo.

Malugod na bumabati,

Kazue Shibata
Chief Executive Officer